Thursday, July 2, 2020

Moon Halo

Ayaw kong mawala ang halimuyak ng mga bulaklak na bigay mo sa'kin
Kahit pa luma na'y iingatan ko
Gaya rin ng mga yapak ng ating mga paa sa buhangin
sa dalampasigan ng sumpa ng pag-ibig mo
Ayaw kong maglaho ang mga ito

Ayaw kong matapos ang bawat gabi na may bago tayong mga lihim
Kaya lagi akong magtatapat sa'yo
Gaya rin ng pagsapit ng bawat umaga na dati pa rin
Kung paano mo ialay ang mga tingin at ngiti mo
Ayaw kong magbago ang mga ito

Ayaw kong magsisi kung darating ang panahon na mawawala ka
Dahil lang hindi kita pinakinggan
Ayaw kong masaktan, nang habambuhay, tayong dalawa
Dahil lang hindi kita pinagbigyan
Ayaw kong manghinayang
Dahil mahal kita
Kaya kahit ano man ang maging problema
Ayaw kong sumuko
Dahil mas ayaw kong mawala ang pag-ibig na ito
Na pareho nating binuo

No comments:

Post a Comment

Moon Halo

Ayaw kong mawala ang halimuyak ng mga bulaklak na bigay mo sa'kin Kahit pa luma na'y iingatan ko Gaya rin ng mga yapak ng ating mga ...